Friday, August 8, 2008

Aratiles

Binaybay nilang magkapatid ang pilapil. Maputik and lupa ngunit malinis ang hangin. Ang langit asul, at ang palayan berde. Si Kuya ay nasa grade six, si Ading ay grade por. Pero walang pasok ng araw na yaon. Tuwing sabado, nakaugalian na nilang mamasyal sa bukid, malapit sa burol, sa gawi ng sakahan nila Bittong.

Bagamat wala pang dalawang kilometro ang layo mula sa 'centro', ang daan patungo sa burol ay tila isang malayong paglalakbay na sa magkapatid. Galing sa bahay ay dadaan sila sa Burgos na kung saan may asong nanghahabol ng mga bata, mula roon ay tatawid sila ng Kulukul Creek patungo sa San Nicolas. Sa San Nicolas, maraming siga, bata man o matanda. Kailangan nilang umiwas ng daan, kaya ang gilid ng dike at taas ng parensa ang kanilang sinusundan. Paglabas ng San Nicolas ay kailangan nilang tawirin ang daybersyon road - napakalaking daan na kung saan dumadagundong ang mga bus at trak na.Pagtawid nila ay puro palayan na, at mahabang putikang pilapil ang kanilang tutulayin.

Ang palatandaan ng dulo ng paglalakbay ay isang malaking aratiles na matatagpuan sa mala-islang tumpok ng lupa at kawayanan. Ang aratiles ay mataas at palaging hitik sa bunga. Ito ang huling destinasyon ng magkapatid bago tumulak pauwi.

Karaniwan, parehong umaakyat sa aratiles ang dalawa, pero ngay0n araw na ito ay tila madaling nagsawa si Kuya at nasumpungang hanapin na lamang ang pinanggagalingan ng bukal sa tabi ng palayan. Si Ading, sadyang may baon pang plastik, ay desididong di lamang kumain ng aratiles kundi magbaon pa pauwi.

Hala sige ang kanyang pagpitas. Meron dito, isang tumpok. Duon may mga hinog pa. Inumpisahan niya mula sa laylayan ng mga dahon, siyang mga naabot pa niya mula sa lupa. Pagkatapos non at paakyat siyang namitas, unti unti, hanggang mapuno ang kanyang plastik at marating niya ang tuktok ng aratiles.

Sa taas, kumain ng ilang aratiles at bahagyang nagpahinga si Ading. Dahan dahan siyang kumuha ng ilang mapupulang bunga mula sa plastik, at baka matapon ang kanyang mga nakolekta. Kapag nakasubo na ng ilang hinog na bunga ay kikipitin niya muna ang plastik, kakapit ng mabuti sa sanga ng puno, at tatanaw sa kalawakan ng palayan habang ngumunguya. Malililim duon sa puno, may bahagyang hangin, tahimik, kasama si Kuya. Ligtas ang pakiramdam.Payapa.Masaya.

Ngunit mula sa sulok ng kanyang pananaw ay nakita niya ang isang aratiles - malaking malaki, pulang pulang, at tila pintog na pintog sa busog sa lambing ng araw at hangin. Iba itong aratiles na ito, tila maliit na bayabas na sa laki, tila apol ang pagkapula. Tinantiya ni Ading kung kaya niya itong makuha. Medyo malayo, nasa dulo ng payat na sanga. Pero 'maabot ko yun' ika niya sa sarili, 'basta dahan-dahan lang'. At pinadausdos niya ng pagkaingat ingat ang kanyang mga paa papalapit sa aratiles, patungo sa dulo ng sanga, habang nakakapit sa isa pang payat na sanga sa ulunan niya. Dahan-dahan. Malapit na. At marahang narating ng kanyang munting kamay ang mapulang aratiles, at itoy pinitas ng may ngiti sa labi.

At sumabay sa pagkapitas ng aratiles ang isang malakas na tunog - KRAK! Nabali ang sanga. Sa isang iglap ay nasa lupa na si Ading. Nang mahimasmasan ay napansin niyang nakahiga na siya sa maputik na lupa, nakatingin sa pinanggalingan, na mula kung saan ay nahawi lahat ng dahon at sanga ng aratiles dahil sa kanyang pag-imbulog.Dahan dahan siyang bumangon, at dahan dahan niyang binuksan ang kaliwang kamay - naroon ang pula at malaking aratiles, buo at makintab pa. Napangiti siya. Kinipit niya ang kaniyang plastik papalapit, at pagtingin dito ay napawi ang kaniyang ngiti - wala na lahat ang iba pang aratiles, wasak ang plastik, at may bahid pa ng pagkapisat ng ilang bunga. Sa kanyang paghulog ay nagtalsikan ang mga ito, sumabit sa mga sanga, nahulog sa putikan, kanyang nadaganan. At sa kanaisang mapawi ang sama ng loob, isinubo niya ng malaki at mapulang aratiles. Dahan dahan nilaro sa dila, at saka kinagat. Ngunit sa kaniyang panlasa ito ay matabang, tila mapait pa nga, at makapal ang balat.

Nangingilid na ang kanyang luha ng dumating si Kuya, kaya pinigilan na lamang niya ito. Oras na para umuwi. At sa paglalakad pabalik sa bahay, pawang tahimik si Ading habang si Kuya ay maraming kuwento tungkol sa bukal - na may mga butete doon at insektong tumatakbo sa ibabaw ng tubig.

Palubog na ang araw nang marating nila ang bahay. Walang dalang aratiles si Ading. Wala tuloy ang dapat na kakainin nila ni kuya pag-uwi, na siya rin sanang pasalubong nila kay Bikyung.

Wednesday, August 6, 2008

Helmet

Minsan isang gabi, nakapila kami ni My Babe sa Mercury Drug. Napakaraming tao. Tatlong hilera yata ang naghihintay sa tapat ng buong counter. Takbo ron takbo rito ang mga pharmacy assistant. Sa mga customer, may tahimik, may makulit, may mga bagets at may mga senior citizens, may mga nanay, tatay, ate, kuya etc. Sa suot na damit - may mga parang nakapambahay lang, may mga tila galing pa sa opisina, at meron ding matatandang nakapustura at isang toneladang gamot yata ang binibili, ang kanilang mga reseta pwede na yatang i-ring binder.

Pero sa dinadami ng tao nung gabing yun, nahuli ang atensyon namin ng isang babaing pumasok. Na short-shorts siya, naka-spaghetti strap, at naka -- helmet. Oo, as in motorcycle helmet na nakaistrap securely to the chin niya. Derederetso lang siya papunta sa counter, may dala rin siyang reseta o listahan. Pinilit naming di matawa ni My Babe, pero nahirapan kami. At sa aming pigil na kakatawa sa tabi, nagumpisa ang aming pagmumumuni-muni - bakit kaya siya nakahelmet? Mula sa Mercury hanggang sa makauwi, pinilit din naming sagutin ang katanungang ito:

Bakit siya nakahelmet? Marahil ito ang mga kadahilanan:

1. Sobrang ganda niya at sobrang insecure ng boyfriend niya (wear a helmet, baka mauntog at matauhan)
2. Sobrang ganda ng hair niya ayaw niya itong ma-expose sa elements o di kaya naman
3. Nagpaparlor siya ng hapon na iyon at nangyari ang isa sa mga sumusunod - nasunog ang buhok niya dahil cheap lang ang pinang-rebond, nagpakulay siya ng red at lumabas ay putcha pink, o nakalbo siya
4. Pagpasok niya ay nakita niya ang alin sa mga taong ito - ang kaniyang ka ONS ng ilang beses, ang 'totoong' gerlpren ng kanyang boypren, o ang kanyang tatay na akala ay nagpunta na siya sa Japan
5. Sobrang sarap isuot ang helmet - may mini aircon at MP4 player
6. Balak niyang holdapin ang Mercury at iyon ang kaniyang maskara
7. Yung ang kanyang fashion statement, ang tagline ay "better safe than sorry"
8. Gusto niyang mag football o feeling astronaut siya
9. Kilala siyang personality sa local church, pero kelangan niyang bumili ng condom
10. Kakabrain surgery niya at wala pa siyang bungo

Haynaku, ano pa kaya ang dahilan? Ano sa tingin mo? Hanggang hatinggabi ay palaisipan (at katatawanan) namin ang "lady in the helmet". Panalo siya, pinasaya niya kami. Suwerte nga naman ng boypren niya. Sana di siya mauntog. Sana nga may motor sila, kasi kung nakita namin siyang sumakay sa tricycle o di kaya ay sa kotse, e pawang mas mahabang kuwento na naman yun.

Wednesday, July 23, 2008

Playing Pingpong

Do you remember how great a pingpong player Forrest Gump was? No, not just in 'the' table tennis world, but in his entire world -- just bouncing back what life gives with seeming ease. Of course, it is just a movie, but isn't real life one long stretch of telenovelas strung together? Don't you wish you can do what Forrest did? Anyone could be a Forrest, or a Gump, take your pick.

Real life pingpong. It can be easy as it sounds.

Just today, I was set to go to a city down in Mindanao. Very important work there was waiting. My flight was scheduled at 230pm. But my boss had better ideas yesterday, and he asked me to give a presentation to a city council this morning. The meeting was scheduled at 9am (and I was there at 8.30am despite the traffic), was moved to 10am, but I finally got to present at 11am.

It was 12nn already when I got out. Under the noonday sun, I was deciding whether to stress myself rushing to get my things and dashing to the airport -- or -- to 'play pingpong' instead. At that moment, My Babe called, and asked how I was, and learning about my predicament (at that point I can see her smiling at the other end of the line), she gave that hanging question -- don't you think its better to have lunch instead of rushing to the airport (and not anyway catching the plane)? With that little push, I brought out my little paddle to bounce back those little white balls.

Yes, why not? I called the office and asked them to rebook my flight for the next day, saying that the presentation took more time than expected, and I will definitely be late for the flight. With one swift stroke, I bounced stress away (towards another unlucky fellow). I will worry later when that little white ball comes back. For now, I am going to have a hearty lunch with My Babe.

When I got to Emerald where My Babe's office was, I walked the rest of the way to the Japanese restaurant where we were to meet. As I walked along the windy stretch of highrises, threading to the throngs of call center agents, I thought of the various pinpong scenarios in life:

- get stressed or stress everybody else?
- wait or be late?
- be the shock absorber or be the loud speaker?
- answer the phone call or let it ring, let it ring, let it ring?
- get defensive over an irritating question or just smile and fade away?

There are many more. What's your pingpong scenario?

Anyway, I got to the Jap resto, My Babe and I ordered maki, yakisoba, and tempura, and we ate and talked about many thing and ate and ate. It did beat rushing to the airport and saying s*!t and f!*k a thousand times. We even had coffee afterwards! Ah, life...

From time to time, we do have to 'pingpong' stress somewhere else (doesnt matter where). And to borrow from our autistic hero, we have remember that "Life is like a box of choknut, you'll never know if its durog or not".

Monday, June 23, 2008

Here It Is

I have been planning to put up my blog for at least a year now. Finally, here it is. I hope I can sustain it.

"Yoyeya" literally means "here it is". It is an expression of the Gaddang people of Nueva Vizcaya (Philippines) . I am part Gaddang as my Lola or grandmother (whom we used to call Mommy) is a Maludduy (one of the oldest and few surviving Gaddang bloodlines).

Yoyeya can be expressed with humor, sarcasm, or exasperation - depending on the mood or situation you're in. For this blog, it also means exactly that - an open and direct declaration of what is. The musings and queries will vary from the mundane to the insane as the days go, but they will always be served as they are, as they come.

You can also look at it this way - the blog title is a collaboration of the expressions Yo! Yey! and Ya! And again depending on how you will use them, they can represent a good number of meanings and perorations.

So here it is - Yoyeya!